December 13, 2025

Home BALITA

Dizon, pinabulaanang babalik sa DOTr

Dizon, pinabulaanang babalik sa DOTr
Photo Courtesy: via MB

Itinanggi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon ang umuugong na usap-usapang babalik umano siya sa Department of Transportation (DOTr).

Sa latest episode ng “KC After Hours” nitong Sabado, Disyembre 13, sinabi ni Dizon na hindi raw totoo ang kumakalat na balitang magbibitiw siya bilang kalihim ng DPWH para bumalik sa dating ahensyang pinagasiwaan niya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

“That’s not true,” ani Dizon. “I think that came when I get questions like, ‘Gusto mo bang bumalik sa DOTr?’ And I give an honest answer, if it were my choice, I’d love to go back to DOTr.”

“Di ko natapos ‘yon, e. [...] Ang dami na naming nasimulan. Ang dami na naming napabilis na project. But of course, I had to answer a more challenging call from the President to handle an agency that is under siege.“ dugtong pa niya.

'Di kami namimilit!' Mga Duterte, nananatili hangga't gusto ng tao—FPRRD

Matatandaang anim na buwan lang ang itinagal ni Dizon sa DOTr bago niya tuluyang nilisan ang ahensya para lumipat sa DPWH. 

Ito ay matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand  “Bongbong” Marcos, Jr. noong Setyembre ang resignation ng dating DPWH Sec. na si Bernardo Bonoan. 

Kaugnay na Balita: PBBM, tinanggap resignation ni DPWH Sec. Bonoan

Kaugnay na Balita: PBBM, pinanumpa na sina Dizon, Lopez sa mga bagong posisyon