Bagama't walang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), nagdadala ng pag-ulan ang Hanging Amihan at Shear line ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa public weather forecast ng PAGASA nitong Huwebes ng hapon, Disyembre 11, patuloy ang pag-ihip ng Northeast Monsoon o Amihan sa Northern Luzon at nararamdaman na rin sa Central Luzon.
Ang Shear line, o linya kung saan nagtatagpo ang malamig na Amihan at mainit na easterlies, ang nagdadala ng pag-ulan sa Silangang parte ng Southern Luzon at Visayas, kung kaya't nakararanas ng malalakas na pag-ulan sa mga lugar na ito.
Localized thunderstorms naman ang nararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat dahil posible pa rin ang pagbaha at pagguho ng lupa.