December 13, 2025

Home BALITA

8 opisyal ng DPWH, sumuko sa NBI ugnay sa 'ghost project' sa Davao Occidental

8 opisyal ng DPWH, sumuko sa NBI ugnay sa 'ghost project' sa Davao Occidental
Photo courtesy: NBI SEMRO

Sumuko na ang walong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Davao City matapos matuklasan ng mga awtoridad ang hindi nasimulang flood control projects sa Davao Occidental. 

Ayon sa mga ulat, kinumpirma mismo ni NBI Director Angelito Magno ang boluntaryong pagsuko ng mga nasabing indibidwal sa tanggapan NBI noon pang Linggo, Disyembre 7, 2025. 

Samantala, sinampahan na umano ng Ombudsman ang mga nasabing indibidwal ng kasong graft at malversation sa Davao City Regional Trial Court.

Matatandaang nauna nang isapubliko nit Pangulo sa kaniyang Facebook account noong Disyembre 5, 2025  ang natuklasan umano ng Ombudsman na hindi nagsimulang flood-control project sa Culaman, Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

MAKI-BALITA: 'Marami pang magpapasko sa kulungan!' PBBM, aaksyunan natuklasang ghost projects sa Davao Occidental

Anang Pangulo, aabot daw sa ₱100 milyon ang ipinagkaloob na budget noon sa St. Timothy Construction Corporation ngunit hindi kailanman nasimulan at natapos ang nasabing proyekto.

Pagpapatuloy pa ni PBBM, lumalabas daw na peke ang mga dokumento, certificate, at inspection report na ibinigay ng mga nasabing sangkot para pabulaanan ang proyekto.

Ani PBBM, may mga pribado at kilalang mga indibidwal ang sangkot sa nasabing anomalya sa proyekto kabilang na sina Sarah Discaya, at iba pa.

MAKI-BALITA: Sarah Discaya, sumuko sa NBI kahit 'di pa nalabas arrest warrant na iniulat ni PBBM

MAKI-BALITA: 'Paano mga anak ko?' Sarah Discaya, takot mawalay sa pamilya 'pag nakulong

Mc Vincent  Mirabuna/Balita