Kinakiligan ng mga netizen ang social media posts nina Kapuso star Klea Pineda at Kapamilya star Janella Salvador matapos i-flex ng dalawa ang pagsakay ng huli at anak niyang si Jude sa airplane na minaneho mismo ni Klea.
Ipinakita ni Klea sa social media platforms niya ang pagpapaandar ng eroplano kasama ang isa pang co-pilots, para sunduin sina Janella at Jude.
Ayon sa caption ni Klea, mula sa Subic, Pampanga at nagtungo sila sa Lingayen, Pangasinan at muling bumalik sa Subic.
Makikita naman sa video ang pagsakay nina Janella at anak na si Jude sa eroplano.
"Quick trip above the clouds, just to bring a little light to someone’s day," anang Klea sa kaniyang Instagram post.
Pinasalamatan ni Klea ang dalawang pilotong kasama niya sa pagpapalipad, at may disclaimer din.
"It was all worth it! Thank you Capt @evangelistavlad and Capt @sahl.onglatco and of course @topfliteacademy, couldn’t have pulled this off without you guys!"
"Disclaimer: The depicted flight was not a training flight and was conducted solely for promotional purposes. The aircraft shown was a private aircraft not included in the Topflite ATO fleet and was operated by a duly licensed commercial pilot."
Sa comment section naman, mababasa ang komento rito ni Janella.
"and that makes two very very happy passengers!!!!!! thank you, future capt" aniya.
Sa mismong social media platform ni Janella, flinex niya ang ilang mga kuhang larawan nila ni Jude, mga kasamang piloto, at ni Klea habang nasa loob ng eroplano at nasa alapaap.
"a core memory—one for me, one for him. thank you," ani Janella kay Klea.
Dagdag pa ni Janella, "getting picked up from taping by an airplane was not on my bingo card uhm yes hello."
Nag-reply naman dito si Klea at tinawag na "favorite passengers" ang mag-ina.
"and one for me"
"Anything for my two favorite passengers!"
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"sweet naman!"
"Wow mahal ko kayo!"
"Gandang pagmasdan!"
"na para bang mhie at mhie ang tawagan"
"Kinilig ang buong social media"
"unli play poba to hanggang di matapos ung kilig"
Matatandaang napapatanong ang mga netizen sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa matapos magpakita ng sweet photos together, kahit natapos na ang pelikula nilang "Open Endings."
Ipinagtanggol din ni Klea si Janella sa pag-aakusa sa huli, na umano'y third party sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Katrice Kierulf.