Hindi tinantanan ng bashers at detractors si Miss Universe 2025 Fatima Bosch lalo na't kinukuwestyon ang pagkapanalo niya sa nabanggit na pageant, at kung totoo bang "fake winner" siya.
Kaugnay ito sa umuugong na isyu hinggil sa umano’y dayaan at pagiging “fake winner” ni Fatima, matapos ilantad ng isang resigned MU 2025 judge ang aniya’y dayaan sa naturang kompetisyon.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Alam na agad sino panalo?’ Resigned MU 2025 judge, binansagang ‘fake winner’ si Miss Mexico-Balita
Sa ibinahaging X post ni Fatima nitong Linggo, Nobyembre 23, mapapanood ang isang video kung saan makikita ang highlights ng kaniyang performance sa Miss Universe 2025 na ginanap sa Bangkok, Thailand kamakailan.
“My full performance #MissUniverse,” saad ni Fatima sa kaniyang post.
Photo courtesy: Fatima Bosch/X
Umani ng samu’t saring pambibira at tirada mula sa netizens ang naturang X post ni Fatima.
“Done reporting”
“not crown worthy performance”
“Congratulations! very well-cooked!”
“Bakit hindi kasama yung performance ng pagsagot mo kay Nawat?”
“parang naghahamon naman ng boxing lakad mo”
“my full comedy show”
“full cooking show”
“Thanks for posting. It reminded us that you were truly supposed to be the 4th runner-up.”
“We know what we saw and heard from your answer and no one can convince otherwise.”
“yung walk nya na parang nanghahamon ng away sa kabilang barangay”
“The miss universe now truly losses its purpose and credibility. There was no transparency of the computation of results. This is by far the newest, most controversial, and scandalous miss universe episode of all time. The crown can be bought. The pagent it self can be cooked.”
Si Fatima Bosch ang ikaapat na Miss Universe title holder mula sa bansang Mexico, matapos siyang koronahan bilang Miss Universe 2025.
Vincent Gutierrez/BALITA