December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Carla Abellana, ikakasal na nga ba?

Carla Abellana, ikakasal na nga ba?
Photo Courtesy: Carla Abellana (IG), Pexels

How true ang lumulutang na tsika tungkol umano’y nalalapit na kasal ni Kapuso star Carla Abellana?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Oktubre 6, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang tsika tungkol sa aktres.

Aniya, “Ang nakarating sa atin, sa December na ikakasal si Carla Abellana. Wow, sino naman kaya ang lucky guy na ito?”

“Taga-showbiz ba? Nope. Isang pribadong tao. Doktor. Isang chief medical officer ng isang private hospital sa Quezon City, ayon ‘yan sa ating source,” dugtong pa ni Ogie.

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

Ayon sa showbiz insider, naging kasintahan na raw ni Carla ang guy noong highshool at muling nanumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa kamakailan.

“Guwapo raw ito in person, ha. At chinito!” ani Ogie.

Matatandaang inurirat si Carla ng mga netizen noong Hulyo matapos niyang ibahagi sa Instagram account ang larawan kung saan tampok ang isang lalaking kasalo niya sa dining table.

Maki-Balita: Carla Abellana, may bago ng jowa?

Hindi na rin naman ito nakapagtataka sapagkat inamin naman niya sa isang panayam na bukas umano siya sa posibilidad na umibig ulit.

Ito ay sa kabila ng failed marriage nila ni Kapuso actor Tom Rodriguez, na ngayon ay may anak na sa ibang babae.

MAKI-BALITA: Carla Abellana, bukas na ang pusong magmahal ulit?

Pero sa ngayon, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag si Carla para pabulaanan o kumpirmahin ang tungkol sa kasalang mangyayari.