December 13, 2025

Home BALITA

Mayor Vico, bet magturo matapos ang termino

Mayor Vico, bet magturo matapos ang termino
Photo Courtesy: via MB

Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagiging bukas niyang lumipat sa ibang larangan mula sa politika pagkatapos ng termino niya bilang alkalde ng Pasig.

Sa latest episode ng “The Pod Network Entertainment” noong Biyernes, Oktubre 3, sinabi ni Sotto na gusto raw niyang magturo sa 2028.

“Ang plano ko, balikan ‘yong mga hindi ko nagawa dahil tumakbo akong mayor. [...] I’d like to teach if I have an opportunity. That’s one thing,” saad ni Sotto.

Bagama’t wala pang naiisip kung anong kurso ang kaniyang ituturo, marami naman umano siyang karanasang maibabahagi sa mga posibleng estudyante niya.

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Anang alkalde, “9 years of experience [as a mayor] plus 3 years as a councilor. So, 12 years of experience as a government official plus other experience engaging the government with other hats on.”

“I feel I have a lot of experience to share to younger students,” dugtong pa niya.

Kung tutuusin, hindi na rin naman bago kay Sotto ang pagtuturo dahil minsan na rin siyang nakapagturo sa Arellano University ng isang semestre bago siya tumakbong mayor ng Pasig noong 2019.

Bukod dito, ikinokonsidera rin umano ng alkalde na mag-aral ulit o pasukin ang advocacy work.

“Kasi ‘pag mayor ka, unang-una, sa Local Government Code bawal ka magkaroon ng ibang trabaho. [...] So, of course, dapat sumunod tayo do’n,” sabi ni Sotto.

Matatandaang ilang ulit na niyang inanunsiyo sa publiko na wala talaga siyang balak pang tumakbo sa anomang government position sa 2028.

Maki-Baita: Vico Sotto, hindi tatakbo sa anumang gov't position sa 2028