December 12, 2025

Home BALITA

Sen. Imee Marcos sa 2026 OVP budget: 'Barya lang po ito!'

Sen. Imee Marcos sa 2026 OVP budget: 'Barya lang po ito!'
Photo Courtesy: Imee Marcos (FB)

Naghayag ng suporta si Senador Imee Marcos para sa 2026 budget ng opisina ni Vice President Sara Duterte.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Finance nitong Lunes, Setyembre 29, sinabi niyang barya lang umano ang hinihinging pondo ng Bise Presidente. 

Aniya, “Bilyon-bilyon ang naririnig nating hinahatid na tinatawag na ‘basura’ do’n sa flood control. Kung tutuusin, wala pang isang bilyon ang hinihingi ng OVP.”

“Barya lang po ito. Ibigay na po natin, dagdagan pa,” dugtong pa ni Sen. Imee.

'Dedma kung dating hepe!' DILG, tiwalang kayang arestuhin ng PNP si Sen. Bato

Wala namang naging pagtutol ang mga miyembro ng Senado sa ₱902.895 na rekomendasyon ng DBM para sa opisina ni VP Sara. 

“The budget of the Office of the Vice President is now deemed submitted for plenary’s consideration,” saad ni Senador Win Gatchalian na siyang chairperson ng Committee on Finance sa Senado.

Maki-Balita: ₱902.89M pondo para sa OVP, aprubado na sa Senado

Matatandaang higit na mataas ng 21.33% ang pondo na ito ng OVP kumpara noong 2025 budget.