Nagbigay ng reaksiyon si Optimum Star Claudine Barretto hinggil sa mga kumakalat na balitang hiwalay na ang pamangking si Julia Barretto sa boyfriend niyang si Gerald Anderson.
Sa vlog na "The Issue is You!" nina Ogie Diaz at Inah Evans, diretsahang natanong ni Ogie kay Claudine ang tungkol kina Gerald at Julia.
"Ako I don't have any idea," anang Claudine.
"I have no idea. Puro naririnig ko rin lang, ang daming mga fake news, may kung sino-sinong babae, Gigi, may ganiyan-ganiyan... Arci... napatunayan mo na fake," saad ni Claudine.
Inurirat na rin ni Ogie ang tungkol naman sa nali-link na volleyball player kay Gerald na si Vanie Gandler.
"Sino? Marami akong volleyball players na kaibigan at mga anak-anakan, kaya lagi ako nasa PVL," giit ni Claudine at inisa-isa ang mga pangalan ng volleyball players na malapit sa kaniya.
Nang tanungin ni Claudine kung sa aling team ang tinutukoy ni Ogie, sagot ng huli ay "PLDT."
Maya-maya, nag-name drop na si Ogie at sinambit ang "Vanie Gandler." Ayon kay Ogie, kung si Claudine ay aminadong nanonood ng volleyball game, ilang beses na ring napabalita ang panonood din ni Gerald ng laro, at dito na nga nagsimulang ma-link ang volleyball player sa aktor.
"Ay hindi pa kami nag-abot, buti na lang," sambit ni Claudine.
Kaya raw nabanggit ni Ogie ay dahil na-link nga raw si Gerald kay Vanie ng Cignal HD Spikers, dahil sa madalas daw na nakikitang nanonood ng game ang aktor. Magkaibigan naman daw talaga ang dalawa.
Pero sansala ni Claudine, "Hindi 'yan ang ikinuwento sa akin ng mga babies ko sa volleyball."
Nang uriratin ng dalawa kung ano ang ikinuwento sa kaniya, sagot ni Clau, "Secret!"
"Basta hindi na 'ko nanonood ng PVL."
Tinanong naman si Claudine kung anong nag-trigger sa kaniya para hindi na manood ng volleyball game.
"Siya! Ayoko nang makita," asik ni Claudine.
Giit ni Claudine, fan siya ng volleyball at may mga paborito rin siyang volleyball players.
"Wala naman akong galit sa bata, hindi ko lang siya gusto, puwede naman 'yon 'di ba?" diretsahang dagdag pa ni Claudine.
Hindi naman diretsahang sinabi ng tita ni Julia kung totoo ba ang intriga sa pagitan ng volleyball player at kay Gerald.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Gerald, Julia, at maging si Vanie hinggil sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.
KAUGNAY NA BALITA: Gerald at Julia, 'cool off' sa isa't isa; may third party?