December 14, 2025

Home BALITA Metro

Student beep card, available na sa September 15

Student beep card, available na sa September 15
Photo Courtesy: DOTr (FB), via MB

Maaari nang makakuha ng student beep card sa Setyembre 15 ayon sa Department of Transporation (DOTr).

Sa isang Facebook post ng DOTr noong Martes, Setyembre 2, inilatag nila ang detalye kung ano ang mga kinakailangan upang makakuha nito.

“Kailangan lamang magpakita ng valid school ID o registration form, at mapi-print na ang student beep cards on the spot,” saad ng DOTr.

Dagdag pa nila, “Valid ang student beep cards sa loob ng isang taon, at pwedeng i-renew kada school year.”

Metro

Asong naputulan ng dila sa Valenzuela City, resulta raw ng ‘dog fight’

Awtomatikong may 50% discount ang nasabing beep card na laan sa mga estudyante.

Ayon sa ahensya, tugon umano ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para gawing mas mura ang pamasahe ng mga estudyante at mapaabilis ang kanilang biyahe.

Matatandaang Hunyo 2025 nang itaas ng DOTr sa 50% ang discount sa pamasahe ng mga estudyante sa tren.

Maki-Balita: ALAMIN: Paano makakakuha ng personalised beep card ang mga estudyante?