December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Lovi Poe, ibinalandra ang baby bump!

Lovi Poe, ibinalandra ang baby bump!
Photo courtesy: Lovi Poe/Bench (IG)

Marami ang nagulat at natuwa sa pagpapakita ng baby bump ng aktres na si Lovi Poe sa latest endorsement niya ng isang sikat na clothing brand.

Ito ang unang beses na ni-reveal ni Lovi sa publiko, na finally nagdadalantao na siya, sa mister na si Montgomery Blencowe, na isang film producer mula sa England.

"This is what it means to truly Love Your Body—inside and out," mababasa sa caption ng Instagram post ng endorsement ni Lovi, na naka-tag sa kaniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, lalo na sa mga kapwa celebrity, na karamihan ay nagpaabot ng pagbati at pagkatuwa para sa panibagong milestone na ito sa buhay ni Lovi.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Isa na rito ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

"I had a feeling!! I could already tell from your posts!! I'm so happy for you!! Congratulations. Becoming a mom is such a beautiful, life-changing journey, and I know you're going to be an amazing one!!" komento ni Kris.

Ikinasal sina Lovi at Montgomery sa pamamagitan ng isang lavish wedding sa makasaysayang Cliveden House, na isinagawa noong Agosto 26, 2023.