December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sarah Geronimo, may simpleng banat tungkol sa 'kalsadang tinipid'

Sarah Geronimo, may simpleng banat tungkol sa 'kalsadang tinipid'
Photo courtesy: Sarah Geronimo (IG)

Usap-usapan ang naging pasimpleng tirada ni Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo-Guidicelli patungkol sa "kalsadang tinipid," sa endorsement niya sa produkto nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Sa video na ibinahagi ni Dra. Belo, mapapanood na ipinaliliwanag ni Doc Hayden kung ano ang nagagawa ng chemical na "ceramide" sa skin ng mukha ng isang tao.

Paliwanag ni Doc Hayden, sini-seal ng ceramide ang mga butas sa mukha para hindi raw lumalabas ang tubig.

Biglang singit ni Sarah, "Pero yung kalsada do'n dok hindi naa-absorb yung tubig," bagay na ikinatuwa naman ng mag-asawa pati na ng audience.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Sundot pa niya, "Kasi tinipid."

Pero biglang sundot naman si Sarah at naibalik agad sa kaniyang endorsement.

"Buti na lang ang Belo products hindi tinitipid!"

Segunda naman sa caption ni Dra. Belo, "ang Belo products hindi tinitipid! as said by @justsarahgph herself."

Hindi naman tinukoy ni Sarah kung anong kalsada o lugar ang binabanggit niya.

REAKSIYON NG FANS AT NETIZENS

Marami naman ang natuwa at nanibago sa tinuran ni Sarah dahil kilala ang singer-actress sa pagiging tahimik niya at hindi ganoon ka-vocal sa mga isyu, lalo na sa usapin ng politika.

Pero sa pagkakataong ito, sabi ng mga netizen, ay tila binabanatan ni Sarah ang tungkol sa isyu ng mga anomalya sa "ghost" flood control projects na mainit na pinag-uusapan, matapos sumabog sa unang organizational meeting ng Senate Blue Ribbon Committee kamakailan, na ilan sa flood-control projects ay natuklasang "ghost" o hindi naman talaga totoo o nangyari.

Mula mismo ito sa kumpirmasyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

KAUGNAY NA BALITA: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!

Isa rin sa mga naglabas ng kaniyang saloobin hinggil dito, ay mister niyang si Matteo Guidicelli.

KAUGNAY NA BALITA: Matteo, binakbakan matapos manawagang isiwalat ang katiwalian

Ayon kay Matteo, kailangan nang i-expose o ilantad sa publiko ang anumang porma ng katiwalian, lalo na sa mga proyektong tinukoy.