December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

‘He was my first love’ LizQuen, 3 taon na palang split!

‘He was my first love’  LizQuen, 3 taon na palang split!
Photo Courtesy: Enrique Gil (IG) and Can I Come In (YT)

Malaking rebelasyon ang ibinahagi ng American at Filipino actress na si Liza Soberano na tatlong taon na pala silang hiwalay ng dati niyang love team partner na si Enrique Gil. 

Ayon sa inilabas na serye ng Can I Come In, isang podcast-cinema-documentary sa Youtube noong Huwebes, Agosto 14, ibinunyag doon ni Liza ang hiwalayang matagal na pa lang nangyari sa pagitan nila ni Enrique Gil. 

Sinabi ng aktres na parehas silang hindi naging matapat sa mga taga-suporta ng tambalan nilang LizQuen at matagal na rin niya umano itong gustong ipagbigay-alam sa mga tao. 

“I’ve been honestly itching to tell people this because I haven’t been very truthful. Quen hasn’t been very truthful. Quen and I broke up,” saad ng aktres sa podcast. 

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Nilinaw niyang tatlong taon na silang hiwalay at isa sa mga orihinal na dahilan kung bakit hindi muna nila ito sinabi sa publiko ay dahil hiniling ito ni Enrique sa kaniya noon. 

“But yeah, we’ve been broken up for almost three years now. And the reason, well, originally the reason why we haven’t said anything about it is because Enrique or Quen asked me not to say anything about it first,” dagdag pa ni Liza. 

Sinabi rin niya na nagawa niyang sumang-ayon sa desisyong ito ni Enrique dahil noong mga panahong yon umano ay may parte sa kanila na ayaw tanggaping maging totoo ang hiwalayan. 

“I don’t want to speak for him, but I think it was coming from a place of not wanting it to be real. And at the same time, you know, I agreed to that because I also didn’t want it to be real,” aniya. 

Saad pa ng aktres, natakot din siya na baka kapag nalaman ng mga tao ang hiwalayan nilang dalawa ay baka masira ang career niya at at hindi na siya magawang mahalin ng mga tao. 

“[...] I was so afraid that if people found out we weren’t together anymore, my career would go bad, or you know, people just wouldn’t love me anymore,” ayon sa aktres. 

Para kay Liza, isa ito sa ugaling nakasanayan niya na isantabi ang sarili para sa kapakanan at kasiyahan ng iba kung bakit niya iyon naisip. 

“It was me again pretending or putting the things I need to do for myself off to make them happy or make them feel safe. But yeah, me and Quen broke up almost three years ago,” pagtatapos niya. 

Samantala, bago pa man ang rebelasyon ng aktres sa hiwalayan nilang dalawa ay nauna na niyang linawin na si Enrique ang kaniyang “first love.” 

Sinabi rin ni Liza na wala naman umanong ginawang masamang bagay si Enrique at wala ring masamang nangyari sa pagitan ng hiwalayan nilang dalawa. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita