December 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Hailstorm, nagdulot ng zero visibility sa Bocaue, Bulacan

Hailstorm, nagdulot ng zero visibility sa Bocaue, Bulacan
Photo courtesy: Hazard Web Philippines via Raymond Serrano

Namataan ang pananalasa ng “hailstorm” sa bayan ng Bocaue sa Bulacan ngayong  Martes ng hapon, Agosto 5.

Makikita sa Facebook post ng Hazard Web Philippines na nakasakay ang video uploader na si Raymond Serrano sa isang bus na tinatahak ang North Luzon Expressway (NLEX) sa Bocaue, Bulacan nang mapansin nitong may mga nahuhulog na maliliit na tipak ng yelo sa windshield ng bus.

Kasabay nito ang matinding pagbuhos ng ulan na nagdulot ng “zero visibility” sa dinaraanan ng sasakyan.Ayon sa Hazard Web Philippines, isang hazard-related page na naglalayong maghatid ng mga hazard situations sa bansa, ang hailstorm na ito ay dulot ng localized thunderstorm na nakataas sa ilang lugar sa Luzon ngayong araw.

KAUGNAY NA BALITA: #BalitangPanahon: LPA, posibleng pumasok sa PAR ngayong araw-Balita

Probinsya

Lalaki, arestado matapos masamsaman ng ₱13.6M halaga ng shabu, paraphernalia

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at magiging alerto sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na oras.

Vincent Gutierrez/BALITA