December 21, 2025

Home FEATURES

Pabango ni Chavit, lakas makaakit?

Pabango ni Chavit, lakas makaakit?
Photo Courtesy: Chavit Singson (FB)

Ibinida ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ang pabango niyang nakapangalan sa kaniya na gawa ng isa sa mga nangungunang perfume manufacturer sa Pilipinas.

Sa isang Facebook post kamakailan, ibinahagi ni Singson ang review ng isang nagngangalang “Darwin” patungkol sa kaniyang pabango.

“Mabango. Lakas maka-akit neto. Amoy galante,” saad umano ni Darwin.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Mga Pagdiriwang

KILALANIN: Pinoy legends sa basketball court

"Amoy sugar daddy po ba yan "

"Sir sample man pra makaakit man kmi"

"Amoy paldo to"

"wow beke nemen po"

"Amoy pera to"

"Ma. Try nga. Baka sakaling yumaman din tayo Kagaya Kay manong Luis Chavit Singson"

"pa order sir haha"

"Its a million dollar perfume "

"Im sure amoy yayamanin yan gov.."

"Share nmn po Sir chavit khit 1 lng"

"pag naamoy mo yan panigurado amoy pera yan kaya go gurl"

"Di po ba kami Cha - Chavit dyan? "

Matatandaang ibinahagi naunang isapubliko ni Singson ang tungkol sa kaniyang pabango nang magdiwang siya ng kaarawan noon pang Hunyo 2022.

Aniya, “The perfume says it all. CHAVIT SINGSON Scent of Generosity by Aficionado.”