December 12, 2025

Home BALITA

'Laban o bawi? Netizens, hati opinyon kung matutuloy bakbakang Duterte-Torre

'Laban o bawi? Netizens, hati opinyon kung matutuloy bakbakang Duterte-Torre
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Isang tulog bago ang nakaamba nilang tapatan ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III, wala pa ulit kumpirmasyon ang kampo ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa kaniyang pagsipot sa boxing ring sa Linggo, Hulyo 27, 2025.

Noong Biyernes, Hulyo 26, pumutok ang balitang umeskapo na raw si Duterte patungong Singapore kasama ang kaniyang pamilya at ilang staff, matapos ang huli niyang pahayag na makikipagsuntukan lamang daw siya kay Torre kung magpapa-hair follicle test ang mga lider sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Baste Duterte, lumipad na patungong Singapore; tinakasan na si Torre?

KAUGNAY NA BALITA: Baste, may kondisyon bago makipagbugbugan kay Torre

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

Sa kabila ng tila laban o bawing tunggalian ng dalawang opisyal, nananatiling hati ang opinyon ng netizens kung matutuloy pa nga ba bakbakang DUTERTE-TORRE.

“Yung naghamon yung naunang magtago eh.”

“#Bringhimhome pero younger Duterte version muna!”

“Fight or flight lang ito eh.”

“Won by default na.”

“Matutuloy ang boxing kung matutuloy din ang drug testing!”

“Laban na at para mapatunayan kung may dragon na tatoo yung likod.”

“All set, eh lumipad na nga eh sige pa din kayo.”

Bagama’t walang naging malinaw na kumpirmasyon kung matutuloy ang DUTERTE-TORRE fight, patuloy ang pagsasapubliko ng mga paghahandang ginagawa ni Torre laban kay Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga detalye sa nakaambang bakbakang 'Duterte-Torre'