December 14, 2025

Home BALITA

Bulubundukin sa CAR, pinahina si ‘Emong’

Bulubundukin sa CAR, pinahina si ‘Emong’
Photo courtesy: DOST-PAGASA

Nag-landfall nitong Biyernes ng umaga, July 25, ang Severe Tropical Storm (STS) Emong sa Candon, Ilocos Sur at nanatili sa Cordillera Administrative Region (CAR) na siyang nagpahina rito.

Ito ay ang ikalawang landfall ng STS Emong matapos ang unang landfall nito sa Agno, Pangasinan noong Huwebes ng gabi, July 24.

As of 7:00 ng umaga ngayong araw, namataan ang bagyo papalapit sa San Isidro, Abra na may lakas ng hangin na aabot 100 kph at bugsong aabot sa 165 kph.

Ayon sa DOST-PAGASA, pinahina ng bulubundukin ng Cordillera ang nasabing bagyo, na ngayon ay severe tropical storm na lamang. Gayunpaman, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa iba’t ibang parte ng Luzon.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

TCWS No. 3 - magdadala ng malakas na hangin sa bilis na 89 to 117 km/h sa loob ng 18 oras.

- Ilocos Norte

- Ilocos Sur

- hilagang bahagi ng La Union (Bangar, Sudipen, Balaoan, Luna, Santol, Bacnotan, San Gabriel, Bagulin, San Juan, City of San Fernando)

- Apayao

- Abra

- kanlurang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pasil, Tinglayan, Lubuagan)

- the western portion of Mountain Province (Besao, Tadian, Sagada, Bauko, Sabangan, Bontoc, Sadanga),

- hilagang-kanlurang bahagi ng Benguet (Mankayan, Bakun, Kibungan, Kapangan)

- hilaga at kanlurang bahagi ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez

-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Rizal, Lasam, Allacapan, Aparri)

TCWS No. 2- lakas ng hangin ay papalo sa 62 to 88 km/h sa loob ng 24 oras.

- Batanes

- natitirang bahagi ng mainland Cagayan, kasama ang Babuyan Islands

- hilaga at kanlurang bahagi ng Isabela (Cordon, City of Santiago, Ramon, San Isidro, Alicia, San Mateo, Cabatuan, San Manuel, Luna, Aurora, Burgos, Roxas, Quirino, Mallig, Delfin Albano, Quezon, Cabagan, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Santo Tomas, Tumauini, Gamu, Ilagan City, City of Cauayan, Reina Mercedes, Naguilian)

- hilagang-kanlurang bahagi ng Quirino (Diffun)

- kanluran at gitnang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kayapa, Santa Fe, Ambaguio, Aritao, Bambang, Bayombong, Villaverde, Solano, Bagabag, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, Quezon, Diadi)- natitirang bahagi ng Kalinga- natitirang bahagi ng Mountain Province

- Ifugao- natitirang bahagi ng Benguet

- natitirang bahagi ng La Union

- hilagang-kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bolinao, Anda)

TCWS No. 1 - hanging may bilis na aabot sa 39 to 61 km/h sa loob ng 36 oras.

- natitirang bahagi ng Pangasinan

- natitirang bahagi ng Isabela

- natitirang bahagi ng Quirino

- natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya

- hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)

- hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Nampicuan, Cuyapo, Guimba, Talugtug, Science City of Muñoz, San Jose City, Lupao, Carranglan, Pantabangan)

- hilagang bahagi ng Tarlac (San Clemente, Camiling, Moncada, San Manuel, Anao, Paniqui, Santa Ignacia, Mayantoc, San Jose, City of Tarlac, Victoria, Pura, Gerona, Ramos)

- hilagang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba)

Pinaaalalahanan din ng PAGASA ang posibleng malalakas na pag-ulan, pagbaha, at pagtaas ng lebel ng tubig.

Inaabisuhan din ng ahensya na mag-ingat ang lahat at lumikas kung kabilang sa mga lugar na labis na apektado ng severe tropical storm.

Vincent Gutierrez/BALITA