December 13, 2025

Home BALITA

'Pretender lang?' VP Sara muling binira pagiging 'mabait' ni PBBM

'Pretender lang?' VP Sara muling binira pagiging 'mabait' ni PBBM
Photo courtesy: Contributed photo, Bongbong Marcos/FB

Muling nagbitaw ng pasaring si Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa kaniyang pagdalo sa isang rally sa The Hague, Netherlands noong Sabado, Hulyo 19, 2025, diretsahang iginiit ni VP Sara na nagkukunwari lamang daw si PBBM bilang mabait na lider.

“At ito tingin ko lang dahil marami talaga ang nagsasabi na hindi siya weak leader, ma'am, nagkukunwari lang siyang mabait. Nagkukunwari siya na mabait, gusto n’ya ipakita sa lahat ng mga tao na, ‘mabait ako,’” anang Pangalawang Pangulo.

Dagdag pa ni VP Sara, nagkukunwari lamang daw si PBBM upang hindi maging kagaya raw ng imahe ng kaniyang amang si dating Ferdinand Marcos, Sr.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Ang basa ko sa kanya gusto niyang ipakita na mabait siya na Marcos. Hindi siya tulad noong kanyang tatay, hindi siya yung Marcos na diktador. Ang kanya ay 'lowkey' ang kaniyang gustong i-project sa ating lahat,” ani VP Sara.

Sa pagpapatuloy ng kaniyang mensahe sa mga tagasuporta ng kanilang pamilya, tinira din ng Bise Presidente ang aniya’y wala pa rin umanong makitang resulta mula sa PBBM admin.

“Tapos na itong administration na ito. Midterm na sila, tatlong taon na ang lumipas pero wala pa rin tayong nakita,” aniya.