Inurirat ng netizens si Kapuso Star Carla Abellana para alamin kung may bago na nga bang nagpapatibok sa puso nito.
Sa isang Instagram post kasi ni Carla noong Biyernes, Hulyo 18, ibinahagi niya ang larawan tampok ang isang lalaking kasalo niya sa dining table.
“Hi ” saad ni Carla sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Soft launch na po ba? Dasurvvv "
"Woohoo! "
"Parang si Jake Ejercito? Haha"
"Naku...naeexcite naman ako"
"Happy 4u madam deserved mo yan "
"Happy for you lodi"
"enebe! happy for you cars "
Matatandaang sa isang panayam noong Enero ay hindi naman itinanggi ni Carla ang posibilidad niyang umibig muli.
MAKI-BALITA: Carla Abellana, bukas na ang pusong magmahal ulit?
Ito ay sa kabila ng failed marriage nila ni Kapuso actor Tom Rodriguez, na ngayon ay may anak na sa ibang babae.
MAKI-BALITA: Tom Rodriguez umaming tatay na!