December 16, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Doktor-content creator, may payo sa mga halimaw 'mag-lulu'

Doktor-content creator, may payo sa mga halimaw 'mag-lulu'
Photo courtesy: Screenshot from Doc Alvin Francisco (FB)/Freepik

May ipinaliwanag ang doktor at social media personality na si Doc Alvin Francisco para sa mga lalaki, na mapapanood sa kaniyang Facebook account.

Tungkol ito sa akto ng pagsasarili o sa katawagan ng mga gen Z ngayon, "lulu."

Ayon kay Doc Alvin, kapag ang isang lalaki ay nakatapos ng isang gawain, kagaya na lamang ng gawaing-bahay, ang mga lalaki ay nagkakaroon ng tinatawag na "dopamine." Iyan daw ay parang pakiramdam na parang sumakses dahil maraming natapos, nagawa, o na-accomplish sa isang araw. Iyan din umano ang nagbibigay sa isang lalaki ng "motivation."

Sa paglululu naman daw, naglalabas daw ng dopamine ang utak, at iyan daw ang dahilan kung bakit nakaka-relax at masarap sa pakiramdam ang pagbabate.

Human-Interest

ALAMIN: Online at physical stores ng puto bumbong na 'magpapa-cravings satisfied' sa’yo

Kaya lang daw, since nakuha na raw ang dopamine sa pagsasarili, puwede raw na mawalan ng motivation ang lalaki sa pang-araw-araw na gawain.

"Puwede tayong mawalan ng gana sa trabaho, mawalan ng gana sa ating partner, o puwede tayong tamarin at humiga na lang buong araw," paliwanag pa niya.

Aniya pa, normal lang daw ang akto ng paglululu dahil ito ay form of relaxation, nakakatulong daw upang mas maging mahimbing ang pagtulog at pampatanggal-stress. Subalit kung nakakaabala na raw ito sa pang-araw-araw na gawain, lalo na sa trabaho at relasyon, dapat daw ay nagpapakonsulta na sa doktor.

Hikayat ni Doc Alvin, kung may kakilala o kaibigan kang "halimaw" sa paglululu at kailangang marinig ang kaniyang advice, hinikayat ng doktor-content creator na i-tag siya sa ginawa niyang video.