Usap-usapan ng mga netizen ang X post ni Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Kapamilya housemate Bianca De Vera sa Kapuso housemate at 2nd Big Placer na si Will Ashley, matapos siyang i-friendzone.
Sa X, ibinahagi ni Bianca ang video nila ni Will kung saan tinanong siya ng huli kung kailan niya ibibigay ang "full tank" niya.
"Mamaya, mamaya," sagot ni Bianca sa video.
"ok taping friend," caption ni Bianca.
Sumagot naman dito si Will, "Sabi ko na nga ba eh, taping friend pa din tigil na yan!!"
Matatandaang nagkasama ang dalawa bilang "love interest" sa kauna-unahang seryeng nag-collab ang ABS-CBN at GMA Network, ang "Unbreak my Heart."
Sa PBB House naman ay tila "binakuran" ni Dustin Yu si Bianca kaya nabuo ang final duo na "DusBi."