December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Eat Bulaga,’ ‘Wowowin’ back-to-back sa noontime?

‘Eat Bulaga,’ ‘Wowowin’ back-to-back sa noontime?
Photo Courtesy: TVJ, Willie Revillame (FB)

Magkasunod umanong magbibigay-saya sa kani-kanilang tagasubaybay ang programang ‘Eat Bulaga’ at ‘Wowowin.’

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Hulyo 16, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na kalat na umano ang tsikang back-to-back umano ang dalawang programa.

“Tulad din po ng bagyo, binabagyo rin po ang showbiz ng iba’t ibang kuwento. Katulad na lang nitong kalat na kalat nang balita. Magkatotoo kaya ito? ‘Yong pagbaback-to-back ng ‘Eat Bulaga’ at ‘Wowowin?’ Sino kayang kakalabanin?” saad ng showbiz columnist.

Pero may ilan din umanong kumokontra sa bagong schedule ng programa ni Willie Revillame.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Ani Cristy, “Dahil nasanay na raw si Willie ng gabi. Sana raw ‘wag agad-agad pagkatapos ng ‘Eat Bulaga.’ 2:30 pm to 4 pm ‘yan, e. Magiging gano’n ‘pag naging back-to-back.”

Matatandaang matapos kumandidato sa 2025 midterm elections ay pansamantalang pinalitan si Willie ng aktor at komedyanteng si Randy Santiago sa programa niyang “Wil To Win.”

Pero kamakailan lang ay ininspeksyon ni Willie ang pagpapatayo ng bagong studio sa TV5 Media Center para sa bagong tahanan ng bago niyang programa.

MAKI-BALITA: Randy Santiago, hahalili sa show ni Willie Revillame?