Magkakaroon na ulit ng biyahe ang Philippine National Railways (PNR) simula Lunes, Hulyo 14, sa rutang Calamba-Lucena, pabalik.
Sa anunsiyong ibinaba ng PNR nitong Linggo, Hulyo 13, sinabi nilang ang balik-biyaheng ito ay tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para tiyakin ang ligtas at maayos na paglalakbay ng mga pasahero ng PNR.
“Magbababa at magsasakay ng mga pasahero ang tren sa mga istasyon ng Lucena, San Pablo, at Calamba, maging sa mga flagstops sa Sariaya, Lutucan, Candelaria, Tiaong (Lalig), IRRI, College, Los Baños, Masili, at Pansol,” saad ng PNR.
Ayon sa kanila, magsisimula raw sa ₱15 hanggang ₱105 ang regular na pamasahe mula Lucena patungong Calamba.
Samantala, ang mga estudyante, persons with disabilities (PWDs), at senior citizens, na may dalang lehitimong ID ay magkakaroon ng diskwento.
Papatak sa ₱12 hanggang ₱84 ang kanilang pamasahe.