December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Alfred Vargas, nagtapos na 'valedictorian' sa UP Diliman

Alfred Vargas, nagtapos na 'valedictorian' sa UP Diliman
Photo courtesy: Alfred Vargas (IG)/via CinemaBravo (FB)

Nagtapos bilang "valedictorian ang aktor at konsehal ng Ika-5 distrito ng Quezon City na si Alfred Vargas, para sa Diploma on Urban and Regional Planning (DURP) program ng University of the Philippines (UP) Diliman School of Urban and Regional Planning (SURP), sa Quezon City.

Ginanap ang pangkalahatang pagtatapos ng UP Diliman graduates noong Linggo, Hulyo 6.

Nakamit niya ang pinakamataas na academic standing sa buong klase, na may General Weighted Average (GWA) na 1.0288, at pinarangalan ng Dean’s Medallion.

Nanawagan ang konsehal sa kapwa bagong urban planners na isabuhay ang malasakit at ilagay sa sentro ng kanilang gawain ang kapakanan ng nakararami, bilang bahagi ng kanilang mahalagang tungkulin sa paghubog ng mga lungsod sa bansa.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Binigyang-diin ni Vargas sa kaniyang valedictory address na ang mahusay na urban planning ay hindi lamang nakabatay sa teknikal na kaalaman, kundi kinakailangan ding maging makatao ang paglapit upang makabuo ng mga komunidad na ligtas, maayos, at tunay na umuunlad.

Inialay rin ni Vargas ang natamong tagumpay sa kaniyang longtime manager sa loob ng 21 taon, na si Lolit Solis, na pumanaw noong nakaraang Miyerkules.