Nagbigay ng reaksiyon at komento ang award-winning actor na si John Arcilla patungkol sa napapansin ng karamihan sa paglipana ng higanteng paruparo o moths lalo na sa Metro Manila.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ng aktor na alarming daw ito lalo na sa ecological system.
"Yes its very alarming. It signifies a threat in our ecological system," aniya.
"Continuous Disappearances of host plants and forests affect their existence and the human resources in return. Moths and bees are hosts of plant transfers from territories to another. Their extinction will definitely affect the equilibrium of the ecosystem."
"It is actually disturbing and fretful," aniya pa.
Paliwanag ng research associate na si Edriel Lee, sa panayam sa kaniya sa "State of the Nation" ng GMA Network, ito ay tinatawag na tropical swallowtail moths, o sa mas tipikal na tawag ay "mariposa" o malalaking paruparo. Karaniwan daw silang matatagpuan sa mga bansa sa Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas.
Ganito rin ang nakasaad sa kaniyang viral Facebook post. Aniya, ang host plants daw ng moths ay maaaring nauubos na dahil sa pagkawala ng mga kagubatan.
"Now, as you probably know, moths are generally attracted to light. In search of new hosts, they become tempted to detour into the glistening, shimmering urban metropolis. Unfortunately, their host plants from the genus Endospermum—at least in Singapore—can only be found in forests and are absent in cities. As a result, the migrating moths are not able to reproduce," aniya.
Aniya, posibleng ang dahilan kung bakit naglipana sa urban areas ang mga moth na ito ay dahil sa mga liwanag, na nagmumula sa iba't ibang establishments sa siyudad.
Isa pang bagay, nagsilabasan ang mga moth matapos magsimula ang pag-ulan, indikasyon ng pagpasok ng rainy season.
KAUGNAY NA BALITA: Kaninong lolo't lola 'to? Mga pamahiing dala-dala ng 'higanteng paruparo'