Ibinahagi ng social media personality na si Zeinab Harake ang pakiramdam ngayong kasal na siya sa jowa niyang si Bobby Ray Parks, Jr. na isang basketball player.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Hunyo 17, sinabi ni Zeinab na overwhelmed umano siya.
“Ako talaga, overwhelmed ako kasi ‘di ko naman siya in-expect, e, na may darating na gano’n para sa akin,” saad ni Zeinab.
“Pero at the same time,” pasubali niya, “sobrang happy at grateful ako kay God kasi binigyan niya ako ng isang maayos na ama, partner, at wala na po akong ibang mawi-wish, e. Sobrang bait po kasi talaga niya.”
Samantala, pakiramdam naman ni Ray ay sobra siyang pinagpala sa naibigay na kasal ng Diyos sa kanila ni Zeinab.
“Sobrang blessed na God was able to provide for a lovely wedding, and to use as testimony ng love story talaga namin,” aniya.
Matatandaang galing sa failed relationship si Zeinab dahil sa cheating issue ng ex-jowa niyang si Daryl Ruiz o mas kilala bilang “Skusta Clee.”