December 14, 2025

Home BALITA

House Spox Abante, binakbakan si Sen. Imee

House Spox Abante, binakbakan si Sen. Imee
Photo courtesy: screenshot from House of Representatives, Imee Marcos/FB

Binengga ni House of Representatives Princess Abante si Sen. Imee Marcos matapos ang naging pahayag ng senadora patungkol sa budget na ibinibigay ng Kamara sa San Juanico bridge.

Sa press briefing ni Abante nitong Miyerkules, Hunyo 18, 2025, kinuwestiyon niya ang senadora matapos ang paninisi umano niya sa barat na pondong inilalaan daw ng Kamara para sa maintenance ng nasabing tulay.

“Siguro si Senator Imee, since she is very much concerned, kailangan din nating tanungin ano naging ambag niya bilang senador na kasama naman sa tungkulin niya ang pag-ayos ng budget ng bansa doon sa pangangalaga ng San Juanico Bridge,” saad ni Abante. 

Ayon sa pahayag ni Sen. Imee kamakailan, iginiit niyang napabayaan daw nang todo ng Kamara ang San Juanico bridge.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

“Na-neglect nang todo-todo, nang bonggang bongga yung tulay. I feel very badly personally about it,” anang senadora.

Ang San Juanico bridge ang primaryang nagdudugtong sa mga probinsya ng Leyte at Samar. 

Saad pa ni Abante, “Ito public records naman to no. Yung mga budget allocated to the San Juanico Bridge, since 2018 pa, even the time na bago pa naging Speaker si Speaker Martin Romualdez. And bilang isang taga-tacloban, as the representative for that region, talagang part of his advocacy to make sure na may akmang mga pondo para sa programa at proyekto sa kanyang pinaglilingkuran.”

Batay sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) hindi bumaba sa ₱20 milyon ang pondo para sa nasabing tulay habang taong 2021 nang pumalo na sa dang milyon ang pondo, nang makapaglaan ang Kamara ₱105 million sa nasabing taon at ₱150 million noong 2023.