Nag-uwi ng silver medal si Karl Eldrew Yulo, kapatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, sa kaniyang laban sa 2025 Men’s Artistic Gymnastics Junior Asian Championships na ginaganap sa Jecheon, South Korea.
Umiskor ng 13.850 si Yulo para sa vault, na naging dahilan para pumangalawa siya sa puwesto.
Ang mga nakatunggaling sina Bak Junwoo An Daegeon ng South Korea ang nag-uwi ng gold at bronze medal.
Samantala, si Carlos naman ay nag-uwi ng bronze medal para sa individual all-around event at gold medal para sa floor exercise category, sa nabanggit na sports event.
KAUGNAY NA BALITA: Bronze medal ni Golden Boy Carlos Yulo, inintriga
KAUGNAY NA BALITA: ‘Balik sa tugatog!’ Carlos Yulo, muling nag-uwi ng gintong medalya