Usap-usapan ang pag-flex ni Kapuso actor Tom Rodriguez sa family photos nila ng kaniyang baby boy at non-showbiz girlfriend, sa kaniyang Instagram post.
Likod lang ang ipinakita ni Tom sa kanilang dalawa kaya "lotlot" pa rin ang mga marites kung anong hitsura ng anak niya, pati na ang jowang ipinalit niya sa estranged wife na si Carla Abellana.
Inilarawan ni Tom ang kaniyang pamilya bilang "sanctuary."
"Some treasures in life are too sacred to put on full display. This isn’t about hiding…it’s about holding," mababasa sa caption ni Tom.
"Holding close what grounds me. What restores me. What reminds me of who I am beyond the lights, the noise, and the roles I play."
"This family of mine is my sanctuary…My peace. And in a world that often demands a performance, they are where I’m most real," aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: 'Kelan face reveal?' Tom Rodriguez flinex anak, partner niya pero nakatalikod
Matatandaang nauna nang ni-reveal ni Tom ang pagkakaroon ng baby boy at bagong partner subalit hindi pa niya inilantad sa publiko ang kanilang looks.
Matatandaang ikinasal sina Tom at Carla noong Oktubre 2021, subalit makalipas lamang ang tatlong buwan ay pumutok na ang isyu ng kanilang hiwalayan.
KAUGNAY NA BALITA: Gustong isapribado: Tom, aminadong may ipinalit na kay Carla
KAUGNAY NA BALITA: Tom, hangad na mahanap ni Carla ang kaligayahan: ‘Wish her well!’
Sa kasalukuyan ay "divorced" na umano ang kasal ng dalawa sa Amerika at kinikilala raw ito ng hukuman sa Pilipinas.
KAUGNAY NA BALITA: Carla Abellana, Tom Rodriguez divorced na!
"Ahm... we are divorced, recognized na po 'yan ng korte, ng local court po natin dito... we haven't spoken since, hindi pa po kami nagkikita o nag-uusap... we don't communicate anymore," sagot ni Carla, nang kapanayamin siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Hunyo 2024.