June 07, 2025

Home BALITA

Prangkisa para sa Meta, minamatahan ng Tri Comm

Prangkisa para sa Meta, minamatahan ng Tri Comm
Photo courtesy: Meta, House of Representatives/FB

Naungkat ng ilang kongresista ang paglalagay umano ng prangkisa sa Meta upang tuluyang masugpo ang pagkalat ng fake news sa social media.

Ayon kay House Tri-Committee Chairman Rep. Dan Fernandez, kailangan na raw mamagitan ng batas sa umano'y malawakang pagkalat ng fake news sa social media platforms na nasa ilalim ng Meta, partikular na ng Facebook.

"Kailangan na dito ng intervention ng Presidente na maisabatas yun," aniya.

Kasama sa huling sessyon ng Tri Comm nitong Huwebes, Hunyo 5, 2025 si Palace Press Secretary Jay Ruiz na iginiit na mismong ang pamahalaan daw ay target na rin ng fake news.

National

CEAP, iginiit pagpapanatili ng Ethics sa college curriculum

"Hindi nila tinanggal. Ang reason ng mga platforms is that: freedom of expression. May community standards kami," ani Ruiz.

Samantala, binalikan naman ni Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel ang naging depensa ng mga kinatawan ng Meta noong inimbitahan daw nila ang mga ito sa mga nakaraan nilang pagdinig.

"I totally agree with the observation of Secretary Jay, that we are at the mercy of Meta platforms... Ang request lang natin sa kanila is self-regulation. However, sabi ko nga, ‘di tayo pinapakinggan," ani Pimentel.

Dagdag pa niya,"In fact, during the previous hearing, when we asked the Meta representatives, sinabihan pa kami that public officials are subject to criticisms."

Giit pa ni Pimentel, panahon na raw upang i-regulate na ng gobyerno ang Meta.

"It's about time that if they cannot have self-regulation, it must be this government to regulate them," aniya.

Mungkahi pa niya, kailangan na raw nilang pag-aralan kung paano raw nila maoobliga na magkaroon ng prangkisa ang operasyon ng Meta sa bansa.

"And that is why...we should really study, I don't know if it is possible, that we should require this Meta to get a franchise from this government," aniya.