Ibinida ni Miss Universe Philippines 2023 at Kapuso star Michelle Dee ang nangyari sa face niya matapos makagat ng kaniyang furbaby.
Nothing to worry naman dahil hindi naman ganoon kalaki o kalala ang sugat niya.
Inilarawan ni Michelle ang nangyari bilang "plot twist."
“My unexpected Tuesday plot twist. Sa mukha ko pa talaga," sey ni Michelle sa text caption ng Instagram stories niya.
Sa isa pang Instagram stories, sinabi ni Michelle na kahit bilang furparents ay mahal ang furbaby, hindi kailangang balewalain ang dog bites lalo na sa panahon ngayon na overthink malala ang mga netizen sa "rabies."
Isa pa, for sure na magkakaroon ng peklat o marka sa fez ni Michelle kaya gumora kaagad siya sa beauty clinic ng celebrity doctors na sina Dra. Vicki Belo at Doc Hayden Kho para maremedyuhan ito.

Hindi naman ibinida ni Michelle kung nagpa-booster shot ba siya para sa anti-rabies vaccine.
Pero ipinakita ni Michelle na ayos lang naman sa kaniya ang ginawa ng babygirl niya sa kaniya at love pa rin niya ito.

Sa kaugnay na balita, marami sa mga netizen ang napapraning na dahil sa ilang mga naglabasang ulat tungkol sa mga taong na-infect ng rabies at ikinamatay nila.
100% ang fatality o posibilidad na ikamatay ng hayop o maging tao ang rabies kaya mahalagang magsadya agad sa pinakamalapit na ospital o animal bite centers upang kumonsulta at magpaturok ng anti-rabies vaccine. Sabi nga "prevention is better than cure."