June 08, 2025

Home BALITA National

Libreng libing sa mahihirap, pasado na sa senado

Libreng libing sa mahihirap, pasado na sa senado
Photo Courtesy: Santi San Juan/MB

Nakapasa na sa Senado ang Senate Bill No. 2965 o ang Free Funeral Services Act na naglalayong matulungan ang kaanak ng mga mahihirap na namatayan.

Ayon sa inilabas na ulat ng Senado noong Lunes, Hunyo 2, ang mga mahihirap umano na makikinabang sa nasabing panukalang batas ay iyong mga nasa baba ng poverty line na tinutukoy ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sila umano ang mga walang kakayahang makapagsustento ng mga batayang pangangailangan sa kanilang sarili tulad ng pagkain, edukasyon, tahanan, at kalusugan.

“Free funeral services shall be provided to families who are in crisis situations, as determined by the Department of Social Welfare and Development (DSWD), including but not limited to indigent families, or those affected by calamities, disasters, or other emergency circumstances that prevent them from affording dignified funeral services,” saad pa sa ulat.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Ang mga kwalipikadong pamilya na mabibigyan ng "Indigent Funeral Package" ay makakatanggap ng funeral documents, embalming, interment or burial services, transport, cremation, at inurnment services.