June 08, 2025

Home BALITA Politics

Baste Duterte sa PBBM admin: ‘Wala, puro kalokohan talaga!’

Baste Duterte sa PBBM admin: ‘Wala, puro kalokohan talaga!’
Photo Courtesy: via MB, Bongbong Marcos (FB)

Inilarawan ni incumbent Davao City Vice Mayor Baste Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang pinakamagandang halimbawa ng gobyernong binigo ang mamamayan.

Sa kaniyang talumpati sa The Hague, Netherlands, noong Sabado, Mayo 31, sinabi ni Baste ang ilang batayan ng binitawan niyang pahayag.

“When the government fails its people, ito 'yong best example talaga, itong gobyerno talagang ito," saad ni Baste.

Dagdag pa niya, “Wala, puro kalokohan talaga. Kahit press release puro kalokohan, puro kasinungalingan, puro politics. Wala kayong makitang bagong tulay ngayon.”

Politics

John Arcilla, umapela sa Millenials at Gen Z; pinapapalitan mga matatagal nang gov’t officials

Matatandaang hindi ito ang unang beses na binira ni Baste si Marcos. Sa talumpati niya sa ginanap na ika- 88 Araw ng Dabaw noong Marso ay pinatikim niya ng mura ang pangulo at sinabihang hindi mamahalin ng taumbayan kailanman.

MAKI-BALITA: Mayor Baste, pinatikim ng mura si PBBM dahil sa mga tatay nila

MAKI-BALITA: Mayor Baste kay PBBM: 'You will never be loved!'