Nakakaloka ang trailer ng pelikulang "Flower Girl" na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez.
Paano ba naman kasi, mukhang iikot ang istorya sa pagkawala ng kaniyang pukelya, na tinawag sa pelikula bilang "poochy," matapos insultuhin ang isang transwoman, at isumpa siya, na ginampanan ni KaladKaren o Jervi Li-Wrightson sa tunay na buhay.
Produced ito ng The IdeaFirst Company, OctoberTrain Films, at Creazion Studios. Ang nagsulat at direktor ay si Fatrick Tabada.
Makakasama ni Sue sa nabanggit na pelikula sina Martin Del Rosario, Jameson Blake, Maxie Andreison, Kaladkaren, Donna Cariaga, at Mae Paner.
Mapapanood ang pelikula sa Hunyo 18 sa mga sinehan nationwide, pero ngayong Mayo pa lamang ay todo na ang promotion para dito.
In fairness naman kay Sue, hindi siya nababakante sa mga proyekto. Matapos ngang mapabilang sa pelikulang "The Kingdom" na isa sa mga entry sa 2024 Metro Manila Film Festival, heto nga't umaariba pa rin siya sa paggawa ng pelikula.
Kaya tanong ng mga netizen, kailan naman daw kaya sila magbibida sa pelikula o teleserye ng boyfriend na si Dominic Roque?