Lalong lumalakas ang mga bulung-bulungan at espekulasyon tungkol sa estado ng relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto, matapos mapansin ng mga netizen na hindi sila nagpo-post sa kani-kanilang social media accounts nang magkasama, lalo na sa recent na mga bakasyon nila.
Una na ngang inurirat ng mga netizen si Gerald sa comment section ng post niya nang magbakasyon siya sa isang resort kamakailan, kung saan hinanap ng mga netizen si Julia.
MAKI-BALITA: 'Bakit waley?' Julia, hinanap sa naghayahay na jowang si Gerald
Hindi naman sumagot si Gerald sa lahat ng mga pang-uusisa sa kaniya ng netizens, kahit na isang basher pa ang tumawag sa kaniyang umano'y "manipulative" at "groomer" daw siya.
MAKI-BALITA: Basher ni Gerald na tinawag siyang 'manipulative, groomer' pinuksa ng netizens
Napansin din ng mga netizen na walang post si Julia na kasama niya si Gerald recently, at bukod dito, hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng marites na parang wala na raw ang iba pang larawan at posts ni Julia na kasama ang boyfriend niya. Kaya tanong ng mga netizen ay kung nagbura daw ba si Julia ng mga larawan, video, at posts na may kinalaman kay Gerald?
Samantala, habang tumitindi ang ingay tungkol sa tsika ng paghihiwalay ay nananatiling tahimik naman ang dalawang kampo tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.