May 07, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Inambush' na Tayum mayoral candidate, binanatan PNP: 'Nasaan due process?'

'Inambush' na Tayum mayoral candidate, binanatan PNP: 'Nasaan due process?'
Photo courtesy: Lia Cariño Alcantara (FB)

Usap-usapan ang Facebook post ng kandidato sa pagkaalkalde ng Tayum, Abra na si Lia Cariño Alcantara matapos niyang kuwestyunin ang "due process" na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) nang ma-ambush daw ang campaign convoy niya noong Abril 21.

Matatandaang napaulat na nagkapalitan ng putukan ang convoy nina Alcantara at incumbent councilor at re-electionist, Walter Tugadi, nang magkrus ang mga landas nila sa Barangay Budac. 

Isa ang napaulat na namatay sa nabanggit na shootout.

“Earlier this afternoon (April 21, 2025), the campaign convoy of Asenso mayoralty candidate in Tayum, Abra, Lia Cariño Alcantara, was ambushed by several gunmen while plying Tayum,” mababasa sa opisyal na pahayag ng Asenso Abra party, na kinabibilangan ni Alcantara.

Eleksyon

Jimmy Bondoc, nagpasalamat kay Sen. Alan Peter Cayetano: 'Tumindig siya para sa akin!'

“Fortunately, none of the passengers in the convoy were shot. However, the vehicle carrying Lia sustained multiple bullet marks in different parts, including the windshield,” anila pa.

Nitong Lunes, Mayo 5, sa pamamagitan ng Facebook post ay nagpahayag ng tirada si Alcantara sa kapulisan.

"Nung na-ambush ako, parang kriminal [agad] ang Driver ko pinosas nila, sasakyan ko (bulletproof car) ang Binaril, driver ko ang hinuli. nasaan ang DUE PROCESS? [Iniimbestigahan] pa lang ganyan na sila. Asan ang karapatan ng Tao?"

Dagdag pa niya, "Pero nung Nung may nakidnap, pinatay at Sinunog na tao sila Walter Tugadi, Jayjay Tugadi na kaalyado ni Mayor Glen Eduarte, wala galaw galaw ang PNP, may witness kami, instead, pina regular filing nila, kahit wala pa 24hours."

"P.S. ang kalaban ko sa pagka-Mayor ay pamangkin ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Apo naman nya ang Vice Mayor," giit pa ni Alcantara.

Naka-tag ang kaniyang post sa Facebook page ng "Office of the Chief PNP."

Photo courtesy: Screenshot from Lia Cariño Alcantara (FB)

Kalakip ng post ang kuhang video kung saan maririnig ang tila pakikipagtalo ni Alcantara sa ilang pulis habang pinoposasan ang kaniyang driver. 

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol dito ang PNP. Bukas ang Balita sa kanilang panig.