Pumalo na sa 30 ang umano'y kumpirmadong election-related incidents ayon sa Philippine National Police (PNP).
Batay sa tala ng PNP noong Huwebes, Abril 24, 2025, 22 sa 30 insidente ay itinuturing nilang "violent" habang walo naman ang "non-violent."
Nanguna ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa mga rehiyon sa bansa na may kaso ng election-related incidents na may walong insidente, sumunod ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may anim na kaso at Zamboanga Peninsula na may tatlong datos.
Habang tig-iisang kaso naman ang naitala sa rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, Eastern Visayas, Davao Region at Soccsksargen.
Patuloy din umano ang kumpirma ng PNP sa hinihinalang walong election-related incidents mula naman sa Cagayan Valley, Bicol at Calabarzon.
Samantala, inihayag din ng PNP na bumaba umano ang areas of concern sa bansa sa paparating na Midterm elections ngayong 2025, kumpara noong 2019 at 2022.
KAUGNAY NA BALITA: 'Areas of concern' para sa eleksyon, mas baba kumpara noong 2019 at 2022—PNP