Iginiit ng election watchdog na Kontra Daya na malaki umano ang magiging epekto ng “historical denialism” sa magiging takbo ng papalapit na National and Local Elections (NLE).
Sa isang online press briefing nitong Miyerkules, Abril 23, 2025, ipinaliwanag ni Kontra Daya convenor Danilo Arao ang pag-iral umano ng historical denialism.
“Right now historical denialism is not just confined to what happened during the time of dictatorship from 1972 to 1986 when the country was under Martial Law. Up to now, even the war on drugs under the Duterte administration is subjected to denialism,” ani Arao.
Saad pa ni Arao, maging sa isyu umano ng war on drugs ay talamak ang historical denialism.
“Not just in the number of those killed but rather also the circumstances behind the war on drugs,” aniya.
Ang historical denialism ay ang pagbabago o pamemeke at hindi umano pagtanggap ng mga totoong nangyari sa lipunan na may kinalaman sa isyung pampolitika at iba pang kaganapan sa isang bansa.
Dagdag pa ni Arao, “Those kinds of denialism would tend to have some implications on the outcome of the elections because there are people who are led to believe with regard to such lies."