Ibinalita ng Vatican na ang sanhi ng pagpanaw ni Pope Francis ay stroke na sinundan ng coma at irreversible cardiocirculatory collapse.
Ayon sa medical report ni Dr. Andrea Arcangeli, Director of the Directorate of Health and Hygiene of the Vatican City State, si Pope Francis ay may history ng acute respiratory failure sanhi ng multimicrobial bilateral pneumonia, multiple bronchiectases, high blood pressure, at Type II diabetes.
Pumanaw ang Santo Papa noong Lunes, Abril 21, 7:35 ng umaga (Vatican time) sa kaniyang apartment sa Domus Sanctae Marthae, Vatican City.
BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88