April 22, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kiray Celis, hagulgol sa proposal ng boyfie

Kiray Celis, hagulgol sa proposal ng boyfie
Photo courtesy: Kiray Celis/Facebook

Hindi napigilang humagulgol ni Kiray Celis sa wedding proposal ng kaniyang long-time boyfriend na si Stephan Estopia.

Sa isang social media post nitong Lunes, Abril 21, ibinahagi ni Kiray ang mga larawan ng kaniyang engagement. 

"Ang CEO ng Hot Babe, Hello Bloom, at Day-Li ay ENGAGED na!!!" saad ni Kiray sa caption.

"She said YES!" naman ang caption ni Stephan sa kaniyang Facebook post.

Relasyon at Hiwalayan

Pag-amin ni Shan Vesagas tungkol kay Esnyr: 'Na-inlove ako sa ugali niya!'

Umani naman ng mga congratulatory message ang naturang post ni Kiray.

Nagkakilala at nagsimulang mag-date ang dalawa noong 2019 bagama't matagal na raw silang magkakilala dahil kaibigan si Stephan ng kaniyang kapatid. Hindi makapaniwala si Kiray na mahuhulog ang loob niya sa binata nang makalaro niya ito sa isang sikat na online game.

Nang mga panahong iyon ay pareho silang "sawi" sa pag-ibig matapos dumaan sa kani-kaniyang break-up sa kanilang previous relationships.

Congratulations, Kiray and Stephan!