Nagbigay ng pahayag ang lead vocalist ng Eraserheads na si Ely Buendia kaugnay sa alegasyong lumulutang laban sa lead guitarist ng banda nilang si Marcus Adoro.
Sa latest X (dating Twitter) post ni Ely nitong Linggo, Abril 6, sinabi niyang hindi raw mapapabilang si Marcus sa Eraserheads: Electric Fun Music Festival.
Nakatakdang mangyari ang upcoming project ng banda sa May 31.
"As proponents of justice, we unequivocally condemn all criminal acts and stand against abuse of any form. Above all, we seek the truth," saad ni Ely.
Dagdag pa niya, “As Marcus makes time to address the matter at hand, he will stepping back from the upcoming project. We move forward with humility and deep respect for the truth and social responsibility.”
Matatandaang naungkat na rin ang pang-aabuso ni Marcus sa anak at ex-partner niya nang ianunsiyo ang reunion concert ng Eraserheads noong 2022.
Ngunit bago pa man ito ay nauna nang lumutang naturang isyu nang isiwalat ng anak niyang si Syd Hartha ang naranasan umano niyang pang-aabuso mula sa taong tinawag niyang “Makoy.”
MAKI-BALITA: Marcus Adoro ng E-Heads, nag-open letter sa anak; netizens, binalikan revelation post noon ni Syd Chua