Nagbigay ng pananaw si reelectionist Manila City Mayor Honey Lacuna kung ano ang higit na kailangan ng lungsod na pinamamahalaan niya.
Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Marso 30, inusisa si Lacuna kung mahirap daw bang maging babae sa mundo ng politika.
“We have been under the leadership of purely main. [...] Siguro ang Manila ngayon mas kailangan nila ng motherly approach. It's a welcome change for the city of Manila,” saad ni Lacuna.
Ayon sa kaniya, nakatuon daw ang paglilingkod niya sa social services dahil ito raw ang forte niya.
“Mas madali sa akin magpatupad ng policies na alam ko. Ang tagal ko rin pong naging health center physician. Nag-residency training ako in dermatology in a public hospital. So, marami akong nakikita do’n na nagamit ko sa pagiging mayor ko,” aniya.
Si Lacuna ang kauna-unahang babaeng naging vice mayor at mayor ng Maynila sa kasaysayan ng naturang lungsod.