Sinampolan ni Associate Professor Cielo Magno ng University of the Philippines (UP) School of Economics ang blogger si Sass Rogando Sasot.
Sa latest Facebook post ni Magno nitong Martes, Marso 25, sinampahan niya ng kasong cyber libel si Sasot dahil sa pangmamalisya umano nito sa kaniya.
“Today, I filed a criminal complaint against Sass Sasot for the crime of cyberlibel. Like many others, I have been the subject of malicious imputations and wrongs by Ms. Sasot,” saad ni Magno.
Dagdag pa niya, “It’s time to push back and to use all the legal remedies that are available to us to put an end to this display of impunity.“
Sa huli, inaasahan ni Magno na paunti-unti umanong maibabalik ng hakbang niyang ito ang pagiging sibilisado sa lipunan.
“I hope that by this action we are slowly able to restore civility and begin a path towards accountability and good governance,” aniya.
Matatandaang inihayag kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) ang kanilang planong makapagsagawa ng mas malalim na imbestigasyon laban sa mga tagapagpalaganap ng pekeng balita.
MAKI-BALITA: NBI, DOJ, balak tuntunin ang mastermind sa paglaganap ng fake news
Sa katunayan, bukas umano ang NBI na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) para tugisin ang mga nasa likod nito.
MAKI-BALITA: NBI, makikipagtulungan sa Interpol para tugisin fake news peddlers
Si Magno, bukod sa pagiging propesor, siya rin ay dating undersecretary ng Department of Finance. Si Sasot naman ay alumna ng Leiden University, dating political columnist, at kasalukuyang PhD student in International Relations.