March 25, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Sinong nilaglag?' PBBM, inendorso 11/12 senatorial bets ng Alyansa

'Sinong nilaglag?' PBBM, inendorso 11/12 senatorial bets ng Alyansa
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Muling hindi binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalan ng kaniyang kapatid na si reelectionist Sen. Imee Marcos sa pangangampanya ng Alyansa sa Bagong Pilipinas sa Laguna noong Sabado, Marso 23, 2025.

Sa pagbibigay ng Pangulo ng mensahe, humingi siya ng suporta para umano sa kanilang 11 senatorial aspirants.

“Huwag nating gawing alyansa lamang nitong eleven na kandidato na tumatakbo bilang senador na kasama sa Alyansa. Samahan n’yo po kami,” ani Marcos. 

Dagdag pa niya, “Magsama-sama po tayo. Magtulungan po tayo. Mag-alyansa po tayo muli upang labanan ang kahirapan, upang labanan ang krimen, upang labanan ang mga drug lord na pumapasok dito sa Pilipinas.”

Eleksyon

Sen. Imee, walang alam kung kasama pa siya sa Alyansa: 'Hindi ko alam'

Matatandaang naunang hindi banggitin ni PBBM ang pangalan ni Sen. Imee sa pangangampanya nila sa Cavite noong Marso 21, matapos pangunahan ng senadora ang imbestigasyon ng senado sa umano’y ilegal na pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Duterte.

Samantala, nilinaw naman ng senadora na wala raw problema sa kaniya ang ginawa ng Pangulo dahil mas nakatutok aniya siya sa imbestigasyon para kay dating Pangulong Duterte. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Nilinaw din ni Sen. Imee na hindi pa raw sila nagkakausap ng kaniyang kapatid dahil umano sa mga nakaharang sa pagitan nilang dalawa. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, 'di na nakakausap si PBBM: 'Maraming nakapaligid sa kaniya na humaharang'