March 14, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

Philippine Book Festival, sinimulan na!
(Photo: MJ Salcedo/BALITA)

“It’s not just a book fair, it’s a book experience…”

Opisyal nang binuksan ang Philippine Book Festival (PBF) nitong Huwebes, Marso 13, sa Megatrade Hall, SM Megamall sa Mandaluyong City.

Sinimulan ang PBF 2025 sa pamamagitan ng grand opening ceremony na pinamagatang “Fiesta Simula,” na pinasinayaan ng National Book Development Board (NBDB).

Isa sa mga nagsilbing highlight ng event ang dramatic readings at performance ng indibidwal at mga grupo sa iba’t ibang bahagi ng bansa na ipinakita ang kanilang mga sariling kultura.

Mga Pagdiriwang

Ang buong Marso bilang Rabies Awareness, Fire Prevention at Women's Month

Dumalo sa naturang “Fiesta Simula” si National Artist for Film & Broadcast Arts Ricky Lee, mga opisyal ng Department of Education (DepEd), at ang founder ng PBF na si NBDB Executive Director Charisse Aquino-Tugade.

Sa kaniyang speech, ibinahagi ni Tugade na nagsimula ang PBF dahil sa kanilang layuning palawigin sa buong bansa, lalo na sa mga paaralan sa ilalim ng DepEd, na magbasa ng mga librong sumasalamin sa “culture at heritage” ng mga Pilipino.

“We didn't want our children to read books that didn't represent who they were and the languages that we all speak. We wanted something different,” saad ni Tugade.

Nagsimula noong 2023, inaasahang isasagawa ang four-day book experience ngayong taon mula nitong Huwebes hanggang sa Linggo, Marso 16, sa SM Megamall.

Bukod sa pamimili ng mga literaturang Pilipino mula sa iba’t ibang manunulat sa bansa, asahan din sa PBF ang author meet-and-greets, art workshops, talks, at exhibits na nakasentro sa Philippine books.

Kaugnay nito, sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ng historical fiction author na si Robin Sebolino na mahalagang tangkilikin ang mga Filipino books dahil sinasalamin din nito ang pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.

“As of now, mas malakas pa rin yung influence ng foreign literature. If you go to bookstores, online or physical bookstore, mas marami talaga yung foreign books. Pero syempre, we need to get to know ourselves. How do we get to know ourselves? We do that by reading our own authors,” saad ni Sebolino.