April 02, 2025

Home BALITA

Bagong logo ng MIAA, di nagustuhan ng netizens?

Bagong logo ng MIAA, di nagustuhan ng netizens?
(Manila International Airport Authority/FB)

Tila hindi nagustuhan ng netizens ang bagong logo ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Noong Biyernes, Marso 7, sa selebrasyon ng kanilang 43rd anniversary,  isinapubliko ng MIAA ang kanilang bagong logo kung saan makikita ang"Philippine Eagle, Red and blue wings, curved paths, Three stars, Green Laurel wreath, and sun with four rays."

Ang mga ito ay sumasalamin daw sa papel ng MIAA bilang "leading aviation regulator and its values of safety, efficiency, and global connectivity."

Sa Facebook post ng MIAA, tila hindi nagustuhan ng netizens ang bago nilang logo.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

"The previous logo/identity looked so much better than this mess!"

"HUHU AMPANGET KULANG SA UTAK, MEMA SA SUBSTANCE. HINDI BALANSE ANG FORM AT CONTEXT PARANG 8080 NAMAN, KASING SUBPAR NG SERVICE MAY CONSULTANCY NA YAN AHHH"

"Ilang milyon ito? Grabe nagpacontest na lang sana, madaming graphic artist na delkalidad ang gawa"

"Nagsayang na naman kayo ng pera ng taumbayan."

"Tacky and unprofessional logo symbols don’t make a strong brand"

"Kaya ko gawin to sa Canva tapos lagyan ko nalang ng meaning sayang easypz!"

"Scalability pa nga lang, ligwak na, di na makita yung text nung nilagay na sa baba"

"panget ng logo nyo tangeks, san nyo ba nilayout yan sa Microsoft Powerpoint?"

"Di naman namin sinabing walang meaning. Ang sabi namin pangit yung logo. Wag magpaliwanag"

"Result ng "Okay na to.""

"Moresign nako pagka graphic designer oi…"

Samantala, wala pang pahayag ang MIAA tungkol sa komento ng mga netizen.