March 04, 2025

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, kinilalang Top TaxPayer ng BIR

Vice Ganda, kinilalang Top TaxPayer ng BIR
Photo Courtesy: Vice Ganda (FB)

Kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Quezon City si Unkabogable Star Vice Ganda bilang Top TaxPayer.

Sa latest Facebook post ni Vice nitong Martes, Marso 4, pinasalamatan niya ang BIR para sa nasabing parangal.

“Maraming salamat sa pagkilala sa akin bilang TOP TAXPAYER in BIR Quezon City for 2024,” saad ni Vice Ganda.

Dagdag pa niya, “Obligasyon nating magbayad ng buwis, at obligasyon din nating itanong kung saan napupunta ito.”

Tsika at Intriga

Pagbabayad ng tax at pagtatanong kung saan napunta ito, obligasyon!—Vice Ganda

Matatandaang noong 2023 ay tinanong ng isang netizen si Vice Ganda kung bakit wala siya sa listahan ng Top TaxPayers sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, nagpaliwanag kung bakit hindi siya kasama sa 'Top Taxpayers'