Ibinahagi ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo sa kaniyang social media post nitong Huwebes, Pebrero 27, ang pagsadya niya sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa epekulasyon ng mga netizen, patungkol ito sa pagsita niya sa isang netizen na nagbanta sa kaniyang iba-bash siya nang malala kapag "tinukso" niya sa isa't isa sina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan, na magsasama bilang hurado sa season 7 ng "Pilipinas Got Talent" (PGT).
“@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready and solid supporters ni Belle Mariano na ibash ka mula ulo mo hanggang paa. WAG MO ITOLERATE yung KA LANDIAN ng peste mong kaibigan,” anito.
Sagot naman ng Kapamilya host, “Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this? I don’t tolerate this behavior.”
MAKI-BALITA: Robi, umalma matapos bantaan dahil kina Kathryn, Donny: 'Can I take legal action?'
Sa post naman ni Robi nitong Huwebes, nagbigay siya ng kaniyang mga natutuhan nang magsadya siya sa tanggapan ng NBI.
May pamagat ang kaniyang post na "ACCOUNTABILITY."
"I visited the NBI today and met with Chief Bomediano and Atty. Tucay. Thank you for answering all my questions!
Here’s what I learned:"
"1. You can file a complaint against any government agency, especially if your safety is at risk. It’s free to file."
"2. Always take screenshots of your complaint and the URL. Even if it’s deleted, the digital trace is still there. (If someone deletes it, it could show intent.)"
"3. Whether it’s a troll or not, there’s a real person behind the screen, and they are still responsible for their actions."
"Remember, every action has consequences, whether online or offline. Let’s be kind and take responsibility."
Sa comment section ay may pahabol pa si Robi, "BTW, I didn’t delete the comment the troll made. It was him/her who removed it from the comment section thus deleting the whole thread. (Also, it may become addtional proof of intent because of malice.)"
Batay sa mga ibinahaging larawan ay nagsadya si Robi sa Cybercrime Division ng kawanihan.
Batay naman sa mga reaksiyon at komento, suportado ng mga kapwa celebrity at netizen ang hakbang na ito ni Robi.
Samantala, hindi pa malinaw kung nag-apologize na sa kaniya ang taong nasa likod ng nabanggit na komento.