May 22, 2026

Home BALITA National

eGovPH app, puwede nang gamiting sumbungan sa kaugnay ng pagtaas ng krudo–DOE

eGovPH app, puwede nang gamiting sumbungan sa kaugnay ng pagtaas ng krudo–DOE
Photo courtesy: DOE (FB), Unsplash

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) kamakailan na puwede nang gamitin ng eGovPH app upang agad na maiparating ang reklamo o obserbasyon sa mga gasolinahan sa kasagsagan ng pagtataas ng krudo. 

Batay sa nasabing anunsyo ng DOE, layon ng inisyatibang ito na matiyak ang tapat na serbisyo sa mga mamamayan sa kabila ng kinahaharap na krisis sa langis. 

Sa pamamagitan ng panibagong opsyon na ito sa app, direkta nang mairereklamo sa pamahalaan ang panic buying, fuel hoarding, mabilis at malaking pagtataas ng presyo sa isang linggo, hindi naaayong presyo, at pagtanggi sa pagbebenta ng petrolyo sa mga gasolinahan. 

Maaari pang mas idetalye ng mga mamamayan ang kanilang reklamo sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga litrato, video, o kaya’y mga resibo, at mailagay ito bilang “on-going” o “late reporting” na reklamo. 

Ang estado ng reklamo ay maaaring mabantayan sa app o kaya’y sa status update ng text message. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ang mga reklamong isusumite ay maire-refer sa DOE at ilan pang ahensya tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Local Government Units (LGU), at Philippine National Police (PNP). 

Matatandaang inanunsyo na rin ng DOE na posibleng pumalo sa ₱90 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel sa mga susunod pang araw dahil sa patuloy na pagtaas ng tensyon sa mga bansa sa Middle East. 

MAKI-BALITA: Presyo ng produktong petrolyo, posibleng sumipa nang hanggang ₱90/L dahil sa sigalot sa Middle East

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit mahalaga ang ‘Strait of Hormuz’ sa bentahan ng langis ng mga bansa?