April 16, 2026

Home BALITA

‘Puwedeng oo, puwedeng hindi!’ Palasyo, tikom sa umuugong na resignation ni DOT Sec. Frasco

‘Puwedeng oo, puwedeng hindi!’ Palasyo, tikom sa umuugong na resignation ni DOT Sec. Frasco

Tila tikom ang bibig ng Malacañang sa umuugong na mga balitang tuluyan na umanong nagbitiw sa puwesto si Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Frasco.

Sa kaniyang press briefing nitong Huwebes, Marso 12, 2026, hindi direktang sumagot si Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro nang matanong siya hinggil sa status ng kalihim.

“Malamang bukas ay mayroon po tayong announcement,” ani Castro.

Nang tanungin muli ng media kung iyon na raw ang kumpirmasyon ng Palasyo, hirit ni Castro, “Puwedeng oo, puwedeng hindi. Magbibigay kami ng announcement tomorrow.”

Kaugnay nito, may nilinaw rin si Castro hinggil sa kaniyang mga naunang sagot.

Kauna-unahang abogadong Mangyan, pumanaw na!

“Hindi pa po ko makapagbibigay ng anumang detalye sa ngayon. Hindi pa po ibinibigay sa akin ang papel, kung mayroon man. Kapagka mayroon nang ibinaba na anumang anunsyo—ibibigay ko po agad sa inyo kahit na po tayo ay work from home tomorrow,” saad pa ni Castro.

Nitong Huwebes, mabilis na umugong ang pagbibitiw umano ni Frasco mula sa kaniyang posisyon. Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag si Frasco hinggil sa napapaulat na kaniyang resignation mula sa DOT.